Kuha noong April 24, 2010.
Picture
Picture
Picture
 
Picture
The past couple of weeks made so many dreams come to life. Kasama riyan ang maipatikim kay Potling ang iilang putahe na alam kong lutuin. Ito ang the first's na mga ulam na luto ko na kinain ni Potling:

04/04/10 - adobong manok with atay ng manok
04/10/10 - tinolang manok
04/11/10 - ginisang repolyo with cauliflower and somekinda special sauce

Habang tumatagal, mas lumalakas na ang loob namin na pakainin si Potling ng mga lafang na kami lang dati ni Dadda ang nangangahas kumain - sad to say, kasama rito ang carinderiah carey food kapag hindi ako nagluluto.  Siyempre off limits pa rin siya sa ice cream (under negotiation pa ang hot fudge ng McDo - yung white lang na part Dadda please?) at chocolate cake. I can't wait na dumating ang panahon na no restrictions na. Pero matagal pa raw yun.

For now... kelangang mas dumami pa ang alam kong lutuing gulay. Hindi na masaya masyado si Potling sa purely steamed steamed vegies "meal" lang. Gusto niya na ng full meal na compliant sa kapanatag food pyramid. Maraming gulay, konting carbs (kanin) at konting himay-himay na karne.
 
Breakfast is sopas. 

Bawal pa raw muna ang sabaw sabi ni Lola Mama dahil baka mag-away ang Gain at ang gatas ng sopas sa tiyan ni Potling. So for now, yung sopas lang muna. She likes!
Picture
Snack is miki bihon. 

Wala ito sa plano. Almusal ni mommy ay pansit na may bihon na small and not-so-small (yun yata ang miki). Nanghihingi si Potling kaya go, subo nang subo! And she's happy. Magkatulong kami sa pagkain ng miki bihon. Ang saya pag may kasalo.
Picture
Lunch and dinner made mommy real proud. Carrots!!! Hindi pa super happy dahil boiled carrots na mashed ito. Ubos na ang sustansya - sana lang may natira pa for Potling. I learned from our manager na ang epekto ng carrots sa kanyang anak ay pareho ng effect kay Potling - nag-hyper ang tsikiting! Sugar rush daw ito. Well, kami naman ni Dadda ay amazed na amazed sa bango ng carrots habang pinakukulo. Naubos ni Potling ang isang malaking carrot in two days.

Next stop, cauliflower at broccoli. Sana ay magustuhan niya. Pero kelangang ubusin niya muna ang mango, apple at ponkan na naghihintay sa ref.
Picture
 
Suggestment ni Ninang Kleyr, pakiinin si Potling ng yogurt gaya ng kinakapatid nitong si Gabgab. Ipaalam lang daw sa doktor. Pumayag si Dok. Ang next question na lang, gusto ba ni Potling!?!

Yes yes ohyesss!!!

Miyerkules, 02/24/10, sinubukan kong pakainin si Potling ng Mango flavored yogurt. Iniiyakan niya kapag tumitigil akong magsubo. The next day, Thursday, 02/25/10, Strawberry naman. Ganun ulit. 

Nakakatuwa na gusto ni Potling ng yogurt. Dahil ako, one year ago lang kumain ng yogurt. Masarap pala! Akala ko kasi ang yogurt ay panis na gatas and therefore all things associated sa panis hold true. Yan. 

Buti na lang!!!

Dadda more yogurt please!!!
Picture
From: http://farm4.static.flickr.com/3423/3749363555_3977405a6f.jpg
 
Potling ate her first real banana today. At pinaghirapan namin ito. Kahapon, kinarir naming mag-nanay na pumunta ng palengke. Madungis kaming dalawa. Si Potling naka-shirt at diaper lang. Ako, walang ligo. Kebers. Basta makapasyal kami sa palengke. 

Gusto ni Potling ang saging. Bitin siya sa isang pirasong latundan (kinakayod ko lang ang gilid dahil sabi ng matatanda, bawal pa raw yung parteng gitna na maraming buto). Bukas ulit! At may isang pirasong hinog na mangga pang naghihintay!
Picture